Quantcast
Channel: Manila Speak» Sports
Viewing all articles
Browse latest Browse all 9

Ironman

$
0
0

Ang triathlon ay isang multiple-stage competition na kinapapalooban ng tatlong sequential endurance disciplines: swimming, cycling, at running sa magkakaibang distansiya.

IRONMAN TRIATHLON

Sa lahat ng triathlon events sa buong mundo, ang  Ironman Triathlon ang pinakakinikilala. Sa Pilipinas nagho-host tayo ng Ironman 70.3. Bagamat ito’y kalahating version ng Ironman Triathlon kinakailangan pa rin ng atleta na makatala ng kabuuang 70.3 miles o 113 kilometers.

THE BEGINNING

Pinaniniwalaang nagsimula ito noong 1920s sa Pransiya. Ayon sa historian na si Scott Tinley, ang paligsahan ay nagsimula sa tawag na “Les Trois Sports” at ginaganap ito taon-taon sa France.

ORIGIN

Ang katagang triathlon ay hango sa mga Greek na salitang “Trei” na ang ibig sabihin ay tatlo at “Athlos” na ang ibig sabihin ay contest o paligsahan.

WORLD’S FIRST IRONMAN

Isang Commander Collins, USN (1978) ang unang nagsabi ng katagang “Whoever finishes first, we’ll call him the Ironman.”

Madaling araw ng Pebrero 18, 1978, sa labinlimang sumali, labindalawa ang nakatapos at tinanghal na World’s First Ironman si Gordon Haller. Tinapos niya ang karera sa loob ng 11 hours, 46 minutes, at 58 seconds.

FILIPINA IRONWOMAN

Kinapanayam ng ating kasanggang si Jr Langit si Celma Hitalia sa aming IBC13 TV show na “Kasangga Mo Ang Langit.” Walang araw na pinalampas upang magensayo tuwing umaga si Celma Hitalia sa tulong ng kanyang coach na si Abet Alon-Alon. Siya ang nagsilbing saksi sa pinakitang disiplina at pagpupursige ni Hitalia.

601296_485276428187687_1244998263_n

DETERMINATION

Araw-araw, gumigising ng alas kwatro ng madaling araw para makapagtraining si Hitalia.

Maingat siya sa kanyang kinakain. Sinisiguro niyang lagi siyang nasa kundisyon. Habang papalapit ang laban, nararapat tumataas din ang kanyang stamina.

EUPHORIA

Ang euphoria na tapusin ang triathlon ang kanyang laging motivation. Magpapatuloy daw siyang lumalaban kahit umabot na siya sa 50s. Naniniwala siya na kaya ninuman ang triathlon, basta magkaroon sila nang challenge sa sarili, disiplina, at focus na lalung maging maiging bersyon ng kanilang sarili.

TRANSITION

Matapos lumangoy sa tubig ay tatakbo ang mga atleta sa transition area. Dito nagpapalit ang mga ito ng kanilang swim gear. Ngunit dahil importante ang bawat sigundo, inimbento ang specialized triathlon clothing na pwede sa swimming at cycling. Ngayon, cap at goggles na lang ang inaalis upang ikabit ang helmet at cycling shoes. Ang iba, ang sapatos ay nakaabang na sa bicycle pedals upang isusuksok na lamang habang pumapadyak.

NEVER TOO LATE

Si Celma Hitalia ay 48 yrs old, isang late bloomer. Sa edad na 40 lamang niyang naisipang maging atleta. Magandang ehemplo si Hitalia sa mga nagnanasang maging athlete.

Nakakabilib na apat na taon palang siyang sumasali sa triathlon.Sa tatlong unang magkakasunod na taon, tinapos niya ang buong event. Ngayon siya na ang tinanghal na Ironman sa bilis na 05:39:38.

 


Photo credit: XTRM Triathlon Team

Photo used under the Fair Use Exemption of the IP Code.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 9

Latest Images

Trending Articles



Latest Images