TAX LIABILITY
Sa ngayon, mahigit sa P60 million ang halaga ng kasong tax evasion na nakasampa sa mag-asawang Napoles. P44million kay Janet at mahigit P16million sa asawa niyang si Jaime.
Sa ating exclusive na interview kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa DWIZ 882khz:
REY: Bakit ho magkahiwalay at magkaiba ang figure ng mag-asawa?
COMM. HENARES: Ah kasi ho, di ba po kapag nagfa-file po tayo ng Income Tax Return, kung sino ho ang kumita, yun ho ang may tax liability? Hindi naman ho yung tax liability porket mag-asawa kayo eh pareho kayong may liability. Ang basehan niyan ay kung ano ho yung binili nila at yung value nung binili nila.
BASIS OF PROBABILITY
REY: All the while ang impression namin ay ito pong si Ginoong Jaime Napoles ay walang trabaho o retired na.
COMM. HENARES: Ah meron kasi siyang mga binili. Meron pong mga property na nasa pangalan niya. So tinignan po namin kung nagbayad siya ng income tax. Ang presumption, makakabili ka lang ng property kung may kinita ka. Kasi maski retired ka, maaaring nagnenegosyo ka. Kapag may negosyo ka at hindi ka nagbayad ng tax, may tax evasion pa rin yun.
NETWORK METHOD
REY: Paano po ang naging sistema ng computation?
COMM. HENARES: Ang basehan niyan ay ang network method. So we looked at the amount they spent. So 2004, ito po yung ginastos niya, meron po kaming breakdown kung ilang milyon yun. 2005 ganito ho kalaki, 2006 ganito ho kalaki. So kung P4 million plus yung binili niyo nung 2004, kapag tinignan ho namin yung income tax niyo, ‘di dapat ho meron kayong kinita na around 6 million.
Ang idiniklara po ata ni Janet Lim-Napoles ay P100,000 so meron pong gross underdeclaration.
Tapos it goes on 2005, 2006, 2007. So ito ho yung mga binili niya sa 2005, ito yung binili niya nung 2006, at tinignan ho namin kung ano ho ang binayaran niyang income tax.
NO COMPROMISE
Hindi pa kasama rito ang mga properties ni Janet Lim-Napoles sa abroad. Ito’y mga lokal na ari-arian pa lamang na nasa kanilang pangalan.
Ayon pa kay Comm. Henares, kapag nag-file sila ng tax evasion case ay hindi sila nakikipag compromise sa mga criminal cases hanggang maging full-blown preliminary investigation o trial.
Ang depensa ng isang kinasuhan ay sa Department of Justice (DOJ) na o sa hukuman.
DUMMY
Sa dami ng mga properties, ang iba ay nasa pangalan ng kompaniya o nasa pangalan ng ibang tao. Ibang kaso pa ang mga ito.
Ang susunod na titignan ng BIR ay yung iba pang properties na ipinangalan sa mga dummy lamang na kamag-anak nila.
DOCUMENTARY EVIDENCE VS TESTIMONY
COMM. HENARES: As much as possible, kailangan namin yung documentary evidence. Yung testimony puwede rin namin siyang gamitin. Ngayon, yung judge o fiscal, mag-me-make siya ng judgment kung sino papaniwalaan niya.
Siyempre dedepensahan ho yan ni Janet Lim Napoles na “hindi naman yan akin, pangalan ko wala naman diyan” eh di ba ho? So as much as possible, BIR uses documentary evidence rather than testimony.
COMPLICATED SAGA
REY: Sa mga sinasabing pekeng resibo ng BIR at pekeng mga foundation….
COMM. HENARES: Ah yun ho yung part ng imbestigasyon, kasi hindi pa ho kami pumupunta sa foundation eh. Ang pinag-uusapan lang ho natin is yung tungkol sa kanilang dalawa using the network method. Kapag pumunta naman ho tayo sa foundation, ang problema naman dun, hindi ho ata lumalabas yung pangalan nila. So ibang tao na naman ang nakapangalan. So yun yung mahirap dun.
FREEZE ORDER
REY: Kailan maaaring mag-utos ang BIR ng freeze sa mga bank accounts ng mga Napoles?
COMM. HENARES: Kasi sa BIR, hindi pa ho kami pwedeng mag-freeze as of now. Kailangan ho may assessment, tapos hindi sila nagbayad, iyon ang pwede naming i-attach. Pero I think that has already started to apply since the courts have started to order the freezing of their bank accounts.
FLASHBACK
Balikan natin ang istorya ni Al Capone. Napakaraming krimen ang kanyang kinasangkutan ngunit sa kasong tax evasion siya napuruhan.
October 18, 1931 nang masintensiyahan ng tax evasion si Capone ng labing isang (11) taon, pinagmulta siya ng $50,000, court costs na $7,692, at karagdagang $215,000 pati na interest sa back taxes.
END OF SAGA
Sa lawak ng naging connection at influence ni Al Capone, ang US Treasury Department ang nagwakas sa mahabang panahong pamamayagpag niya sa Chicago, Illinois, USA. Si Capone ay nag-serve ng kanyang sentence sa U.S. penitentiary sa Atlanta, hanggang madala sa Alcatraz.
Gaano man ka kumplikado ang saga, mayroon din itong katapusan!
QUOTABLE QUOTE
“Everything has to come to an end, sometime.”
- L. Frank Baum, The Marvelous Land of Oz
Photo credit: Huffington Post, Spot.PH
Photos used under the Fair Use Exemption of the IP Code.